CHAPTER UNO
WAAAHHH!!!!! Bat ako, ang dami dami
namang pwedeng tumakbong President ng Student Council bat ako pa, sabagay may
experience na naman ako nung high school ako, kaso di ko natuloy yung pagiging
Vice-President kasi lumipat ako ng school, siguro para talaga sakin yun para
mapagpatuloy ko yung term ko, hehehe, kaso kahit my alam na ko sa paghandle ng
organization, naninibago ako dahil di ko lahat kakilala ang mga school mate ko
at hindi rin nila ako ganun kakilala, naku bahala na makukulit tong mga to eh
wala na siguro sila mapili sa course namin kaya ako na lang, ng wowork pa naman
ako pano ko mapapagsabay yun, basta bahala na, room to room campaign na, buti
nalang mga classmate ko yung unang pinasok naming room kaso yung sumunod na
grabe todo ginisa ako lalo na ako kasi ako nga naman yung tatakbong President,
nakakatakot, tanong dito tanong doon, darag dito darag doon, grabe pawis na
pawis nako di pa ko nakapag dala ng panyo pano nagmamadali nga ako, lunch time
na nakapagpahinga din, mga octoberian na papasukin namin medyo easy lang to mga
bago naman eh, hehehe, nangyari nga halos dalawa lang ata nagtanong, tinatanong
ko na nga sila kung may tanong pa sila eh mga naka tungo lang, hay salamat
natapos din, sana manalo sayang naman yung effort namin, wala ako idea pero
nung time na ng botohan sinasabi ng mga prof. namin na ako na daw ang mananalo,
computerized voting kasi kaya alam agad and tally of votes habang naboto na
sila, mga 7pm na andun parin kami sa baba at naghihintay ng resulta, umakyat na
kami biglang pinost na ang resulta, wow! landslide, laki ng lamang ko sa
kalaban, di ko expect yun, ng meeting agad kami for Christmas Party at yung
parang manunumpa dahil kami na yung bagong Officer ng SCO, madami natuwa,
madami din yung hindi, kadalasan yung mga kalaban na natalo, hehehe, buti
nalang bakasyon muna at natahimik ng konti buhay ko, medyo maingay talaga pag
public figure ka sa school, lalo na kapag ikaw ang pinakamataas na pwesto sa
organization kasi halos ikaw ang titignan ng lahat ng istudyante, expect nila
magbabago school at dapat may mangyaring pagababago, kaya pagpasok ng January
plano kami for changes, una na dun ung Valentines celebration, first time yun
pero di namin alam kung kakagatin ng mga istudyante ang pakulo namin, akalain
mo dami sumali, pati mga prof. namin naki gulo, masaya ako kasi successful ang
unang project namin, pero di ko naiisip na Valentines Day pala yun, di ko
ramdam na malamig ang Love month ko, pano bahay-school-trabaho lang naman ako,
ang utak ko nun nasa bahay lang namin , pagaaral, at trabaho, ako pa nga
naglalaba nang damit ko, kainis nga eh, para kong magpapari, sabi nga ng mga
classmate ko, tumawa ka naman, lagi ng nakakunot noo mo gusto mo magresign na
sa SCO, pinasok ko to kaya dapat kong tapusin, bago mag tapos ang school year
eh may nangyari pang kakaiba, akalain mong lumipat kami sa aparment!! Hehehe,
ang kulit no, dun kami magaaral, siguro rerenovate naman yun bago mgumpisa ulit
ang school year, pero ang weird, di ko na inalam ano dahilan bakit pinasara ang
school naming sa 4th floor, mahalaga may mapapasukan kami, wow 1
year nalang graduate na ko, kaso may problema, parang di ko na kaya pagsabayin
ang pagaaral at pagtratrabaho, lalo na ngaun na may thesis na kami, kailangan
ko na ang tulong ng tita ko, dun muna ako titira may canteen naman siya papasok
ako sa umaga tutal naman pang hapon na ko sa school, grabe dami dami ko ng
iniisip, papasok na naman pala, tapos yung acquaintance party pa pala, san kaya
ang venue, mag room to room nalang kami para malaman ko opinion nila, at as
usual, majority says Nonino Resort daw, which is last year dun din, madami ayaw
din dun pero majority ang pipiliin namin, nagpakalbo ako para maiba at enjoy,
hehehe, medyo successful naman ang party, may banda, may inuman, at as usual ang
mga detractors ko may nasabi, hehehe, part ng pagiging officer ko un, expect ko
na yun bago ko pinasok to, grabe umaga na kami nakauwi, nakakapagod, pero ok
lang deretso uwi at tulog, mabuti malapit na inuuwian ko kasi dun na ko sa tita
ko nauwi, as usual ang buhay, gising ng 4am, pasok sa canteen ng tita kong
maganda, hehehe, medyo masungit minsan yun, mga 1pm deretso na ko sa school,
after ng school meeting about activities ng school, derecho uwi kasi maglalaba
pa ko, dalawa lang kasi polo ko kaya salit salitan lang, mabuti nalang di
nakakapagod, nasanay na siguro ako, basta no choice din naman ako kung
tatamarin ako eh, kaya ito kailangang mg review kasi malapit na midterm exam,
kaso kailangan ko pa palang ayusin ang linggo ng wika namin, pero exciting yun
kasi madami ulit ako makikilala kasi my practice for competition, magsasama
sama lahat ng magkaka course, at siyempre no choice dahil ako naman daw ang
magaling sa activities kaya ako parin ang namuno sa bawat practice, hay naku
buhay paikot ikot lang, pero ok lang may mga kaibigan naman ako eh, dun kami sa
Villa Carolina nagpraractice sa may Muntinlupa dun ang balwarte ng course namin
tuwing my practice for activities, ang kukulit ng 1st year, ganyan
ba ko dati, hehehe, pati ako kinukulit, sabi ng mga kaibigan ko tuwing linggo
ng wika daw may nagkakagusto sa kin, feeling gwapo naman siyempre, hehehe, pero
parang wala lang eh, basta trabaho-aral-bahay lang naikot ang buhay ko, minsan
sa mga kaibigan, makapagpasukat nga ng bagong salamin para maiba naman, nung
acquaintance kasi nagpakalbo ako kaya ngayon naman naka salamin ako, medyo
kabado kasi first time na malaki venue ng linggo ng wika sa school namin,
exciting ng competition, sumayaw nga ako eh, hehehe, ang cute ko daw sumayaw,
yung mga bugok kong kaklase nasusuka na sa sayaw ko, hehehe, halos lagi kasi
nila ako nakikita eh kaya yun, 2nd place lang kami pero ok lang at
least my celebration ulit, pagmimitingan ulit yun, kasi so mam zey di papayag
na talo kami gusto na champion kaya nagreklamo siya, luto daw, hehehe, pasaway
talaga, mahalaga may outing, hehehe teka, malapit na pala birthday ko, e di
isabay na lang sa celebration para double party, sabado naman yun eh, may bahay
sa nagcarlan yung 1st year student maganda dun, wow! first time ang
layo nun ah, medyo magiging maganda birthday ko ngayon ah out-of-town. Hay
salamat nakapahinga ng konti utak ko, matagal tagal pa ang sportsfest kaya
makakapag prepare pa ng matagal, at pa easy easy muna pagaaral habang wala pa
ang thesis, kaya konting tambay muna sa may tindahan sa harap ng school namin.
itutuloy...............
itutuloy...............


